Babae
(Hango sa Sanaysay na “Sa Mga Kabataang Dalaga
sa Malolos”)
ni Manuel Xanders
Iba’t ibang
disposisyon, paniniwala, katangian ngunit, iisa lamang ang kanilang
pagkakatulad, -ang kasarian. Maganda at mabangong bulaklak kung isalarawan
ngunit tagapagsilbi naman kung ituring. Kababaihan, ano ba talaga ang dapat
nilang kalagyan dito sa ating lipunan? At sino ba sila sa buhay ng bawat
nilalang na sinisilang dito sa ating mundo?
Ate, tiya, nanay, at lola, -mga
gampaning binibigyang buhay ng bawat babae sa bawat tao dito sa mundong ibabaw.
Kilala bilang sa mga katangiang malinis, mahina, at tagasunod lamang. Araw-araw
na hawak ang mga kagamitang maaaring magpapaligaya sa kanilang pamilya. Ngunit,
hanggang kailang kaya silang magsisilbi sa atin? Hanggang kailang mananatiling
mahina sa paningin ng karamihan?
Inilarawan ni Rizal sa kanyang
likhang Sanaysay na “Sa mga Kabataang
Dalaga sa Malolos,” ang mga katangian ng mga babae/kababaihan na
sumasalungat sa imaheng matagal nang nabuo sa ating isipan. Binanggit niyang
ang kabataang babae/dalaga sa nasabing lugar ay hindi ayon sa kung anong
nalalaman natin sa kanila sapagkat nasaksihan niya na ang mga kababaihan dito
na inaakala niyang karaniwan lamang na nagluluto, naglilinis, nagsisilbi ay
tila kanila na mismong mga katawan at isipan ang bumasag sa imaheng ito.
Sapagkat, ang mga kababaihang ito ay nagpamalas ng kalakasan at tapang upang
ipaglaban ang karapatan at ang kaisipang dapat ay matagal na nilang nilabas o ipinakita
tulad ng pagtatrabaho para sa kanilang pamilya.
Sinubukan din na pangaralan ang mga
kababaihan na darating na sa pagiging ina at ang mga kasalukuyang ina na dapat
ay turuan nila ang kanilang mga anak ng katotohanan at mabuhay ng may
kinikilalang Diyos, ang Diyos na hindi nanlalamang kundi alam ang
pagkakapantay-pantay ng antas o estado ng bawat mamamayan ng lipunan.
Sa kasalukuyang henerasyon, ang
nagpapatunay na taglay din ng mga kababaihan ang lakas at tibay ng mga
kalalakihan. At sa panahon ring ito napagtanto ng lahat ang kakayahan ng bawat
tao ang pantay-pantay lamang na ipinamigay/ibinahagi ng Diyos na kung
matututuhan nating pagsama-samahin ay bubuo ito ng masagana at maunlad na
bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento