Biyernes, Marso 30, 2012


Piraso ng Kahapon
ni Juan Manuel Banquito
ika – 29 ng Marso, 2011, Huwebes

            Miyerkules, sa isang kainan sa Ortigas, mag-isang pumunta rito si Sam upang mag-almusal bago pumasok sa kumpanyang kanyang namana sa kanyang ama. Alas otso ng umaga, siya pa lang ang kostumer dito. Naupo siya sa kanang bahagi ng kapehan, nakaharap sa pinto nito, gawa sa salamin ang mga pinto nito kaya tanaw niya ang mga nagmamadaling pumasok na mga empleyado sa labas pati na rin ang sinumang maaaring pumasok sa kapehan. Lumapit na ang waiter sa kanya at tinanong ang kanyang order.

            “Good morning, ma’am! May I take your order? Please.” tanong ng waiter.
            “Please give me chicken and waffles, breakfast club sandwich, and lastly one glass of milk. Thank you!” sagot ni Sam.
            “Right away, ma’am.”
           
Habang hinihintay ni Sam ang kanyang pagkain, may napansin siyang isang lalaki na papasok sa kainan. Unti-unti habang papalapit nang papalapit ang lalaki ay nakikilala niya ang mukha nito. Lima… apat… tatlong hakbang na lamang ay papasok na ang lalaki ay biglang nagulat at kinabahan si Sam.

Pagpasok ng lalaki sa kainan ay agad nitong nginitian si Sam at lumapit sa kanya.

“Samantha? Samantha Barrameda?” ang pagtatakang tanong ng lalaki.

Gulat na gulat si Sam kaya nama’y pagtango na lamang ang tanging naging tugon sa lalaki. Naalala niya at hinding-hindi niya makakalimutan ang lalaking ito, ang lalaking minahal noong sila ay nasa sekundarya pa lamang, si Alexander Cortez. Matagal na panahon na rin ang lumipas bago sila muling magtagpo. Sa pagkakaalam ni Sam ay araw ng kanilang pagtatapos sa kolehyo noong sila ay huling nagkita. Ang araw na magpasya siyang unahin ang pamilya kaysa kay Alexander.

“Xander? Kamusta ka na?” ang mahinahong tanong ni Sam.
“Ayos naman ako, Sam. Lalo kang gumaganda ha? May boyfriend ka na siguro.” ang pabirong sagot ni Xander.
“Wala, Xander. Mali ka sa inaakala mo.”

Sa pagkakataong ito ay napatigil si Xander sa pagkakangiti sapagkat iniisip niya na baka siya pa rin ang laman ng puso ni Sam.

“Naku Sam, ‘wag mo nga akong lokohin. Ikaw? Eh nung high school pa nga lang tayo napakadami nang naghahabol sa’yo. Ngayon pa kaya? Ngayon na ang ganda-ganda mo lalo?”
“Oo nga Xander pero kasi …”

Naputol ang usapan nila nang hinain na ng waiter ang pagkaing order ni Sam. Inalok ni Sam ng pagkain si Xander ngunit tinanggihan siya nito.

“Sa’yo pa lang, busog na ako.”

Nagulat at kinilig din naman itong si Sam sa sinambit ng lalaki sa kanya. Iniisip niya na mahal pa rin siya nito at may pag-asa na muli silang magkabalikan at ipagpatuloy ang naputol nilang pagmamahalan.

“Naalala mo pa ba noong high school pa tayo, Xander?” ang masiglang pagtatanong ni Sam.
“Oo naman, una pa lang kita nakita nalove at first sight na ‘ko sa’yo.”
“Pero hindi naman ako ang niligawan mo nun…”




Second year high school sila nang una silang magkakilala. Nasa star section noon si Sam at nailipat dito si Xander dahil sa pagtaas ng kanyang marka noong nasa unang taon pa lamang siya. Si Sam ang presidente ng kanilang klase noon kaya’t siya ang tinawagan ng kanilang adviser teacher na magpakilala kay Xander sa kanilang mga kamag-aral. Una pa lamang ay nakitaan na ni Sam ng magandang katangian itong si Xander sapagkat bukod sa gwapo at sikat ito ay hindi marunong magyabang sa mga kapwa mag-aaral.

Sa ikaapat na markahan sa taong ito ay naatasan sila na bumuo ng isang dula na nagpapakita sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Napili ng kanilang guro na si Sam ang gumanap bilang Laura at Florante naman si Xander.

Tuwing sila ay nagsasagawa ng rehearsal para sa dulang ito ay napapansin na tila nagiging malalim na ang pagsasamahan ng dalawang ito. Madalas tuloy ay tinutukso sila na tunay na raw ang pagmamahalan nila. Hanggang sa umabot na ito sa loob ng klase nila na pati ang kanilang mga guro ay sumasali na rin sa tuksuhan.

Araw na ng kanilang pagtatanghal, ala una ng tanghali ang usapan na magkikita silang lahat ngunit mag-aalas dos na pero wala pang Alexander ang nagpapakita sa kanila. Kinakabahan ang lahat sapagkat baka hindi sila makatapos sa taong ito kapag hindi sila makapagtatanghal ng kumpleto. Ilang minuto bago mag-alas dos ay dumating na rin si Alexander, nahuli raw siya sapagkat nasira daw ang sasakyan ng kanyang ama kaya sinubukan niya na mamasahe na lamang.

Alas singko na ng hapon, magsisimula na ang pagtatanghal ngunit hindi pa rin nakakarating ang mga magulang ni Alexander. Hindi tuloy mapalagay ang binatilyo sapagkat wala siyang kamag-anak na manunuod sa kaniya.

“Xander, heto tubig, kumalma ka muna. Nandito naman ako, kasama mong magtatanghal. Ako na lang ang pagkuhanan mo ng lakas.” ang malambing na payo ni Sam kay Xander.

Habang sila ay nagtatanghal kitang-kita sa kanilang mga manunuod na nasisiyahan ang mga ito sa kanilang hinanda. Ngunit ikinagulat ng lahat ng hinalikan ni Xander ang mga labi ni Sam sa huling bahagi ng kanilang dula. Tuloy pati ang dalagita ay nakuhang bumaba ng entablado at umiyak sapagkat si Xander ang unang lalaking humalik sa kanya.

Ikinagalit ito ng kanilang guro at lalo ng magulang ni Sam. Muntik pa nga na patalsikin sa paaralan itong si Xander.

Sa pagpasok nila sa ikatlong taon sa sekundarya, patuloy na humihingi ng tawad si Xander kay Sam kahit na noon pa lamang na bago sila magbakasyon ay napatawad na siya nito.

“Sam! Sam, kausapin mo naman ako.”
“Tapos na yun, Xander. Okay na. Okay na.”

Pagkatapos noon ay hindi na muling nag-usap ang dalawa. Kahit na magkakaslaubong sila ay hindi pa rin magawang tingnan o kahit sulyapan man lang ni Sam itong si Xander.

Disyembre na ngunit tuloy pa rin ang hindi pag-uusap ng dalawa. Marami na ang nakapansin sa matagal na hindi pagkikibuan ng dalawa kaya naman ang kani-kanilang mga kaibigan na ang gumawa ng paraan upang magkaayos na ang dalawa.

“Hey, Sam, next week birthday na ni Xander ha? Anong regalo mo sa kanya?” ang pang-uusig na tanong ni Elaine sa kanya.
“Uhm, Hi… hindi ko alam eh. Wala pa akong pera e.”
“What? Tama ba ang narinig ko? Ang tagapagmana at anak ng isang Romeo Barrameda ay walang pera? Huwag mo nga akong lokohin BFF!”
“Eh kasi…”
“Sabi ko na nga ba eh, may bitterness ka pa rin sa kanya! O baka naman inlove ka na sa kanya ha?”
“Sshh! Tumahimik ka nga diyan, Elaine! Ikaw kaya halikan sa labi! At tsaka hindi ako inlove dun no! Bata-bata pa natin love agad!”




“Oo, naaalala ko pa yun, sila Ralph pa ang gumawa ng paraan parang magkaayos na tayo diba?” ang masayang paglilinaw ni Xander kay Sam.
“Ikaw naman kasi, masyado kang mapusok! Napakabata pa natin noon pero halik agad ang ‘binigay mo sa akin!” ang masayang tugon ni Sam

Alas diyes na ng umaga ngunit nandoon pa rin sa kainan at hindi pa rin nauubos ni Sam ang pagkaing inorder niya, dumarami na rin ang bilang ng tao na kumakain doon.

“Hindi ka ba papasok sa kumpanya niyo ngayon, Xander?”
“Uhm, baka hindi na muna, ikaw ba? Puwede ‘wag na rin muna? Kasi ngayon na lang din naman tayo nagkita ulit eh.”
“Uhm, sige na nga.”




 Ikaapat na taon na nila sa sekundarya, sa pagsisimula nila sa taong ito ay sinimulan na rin ni Xander ang panliligaw kay Sam. Noong una ay nahirapan itong si Sam na tanggapin ang panliligaw ng binatilyo sa kanya sapagkat inaalala niya ang kasunduan nila ng kanyang ama. Ngunit matapos din ang anim na buwan ay tinapos na din ni Sam ang panliligaw ng binatilyo sa kanya at sinimulan na nila ang kanilang relasyon bilang magnobyo’t nobya.

            Tulad din ng mga ibang bago pa lamang sa pakikipagrelasyon ay madalas nagkakaroon sila ng mga pagtatalo dahil lamang sa mga maliliit na bagay. Ngunit kung susumahin ay mas marami pa rin ang mga masasayang pangyayaring naganap sa kanilang relasyon. Araw-araw na sabay silang kumakain sa kanilang canteen at sabay na huling lumalabas ng kanilang silid-aralan.

            Sa kanilang pagtatapos, isang matinding pangako na hindi sila maghihiwalay kahit kailan ang binitiwan sa isa’t isa. Sabay silang sumubok na mag-aral sa iba’t ibang mga paaralang pangkolehyo upang hindi talaga sila magkahiwalay.

Ngunit, hindi natupad ang pangakong ito sapagkat ang ama ni Sam ang nagdesisyon kung saan  siya mag-aaral. Bagaman, ganito ang nangyari ay ipinagpatuloy pa rin nila ang relasyon nila at ang pagkikita nila. Madalas ay tumatakas ang dalawa sa kani-kanilang mga klase upang magkita lamang.

Sa nalalapit na pagtatapos ng unang semestre sa kanyang ikatlong taon sa kolehyo, isang pagkakataon na nagkita sila ni Xander sa isang kainan sa Makati. Ipinaalam ni Sam sa kanyang magulang na mayroon siyang gagawing proyekto kasama ang kanyang mga kamag-aral. Agad naman siyang pinayagan nito sapagkat para sa paaralan naman ang kanyang dahilan.

Pagdating niya sa kanilang tagpuan ay hindi pa rin dumarating si Xander. Halos isang oras na siyang naghihintay ngunit hindi pa rin dumarating ito. Hindi rin siya nito pinadadalhan ng text message kung ito ba ay makararating pa. pagkatapos ng isa at kalahating paghihintay ay dumating na rin si Xander. Tunay nga na ikinagalit ito ni Sam sapagkat sa maraming pagkakataon nang ginagawa ito ni Xander sa kanya. Palagi na lamang huli sa usapan ang pagdating ni Xander. Tulad din ng maraming pagkakataon ay humingi ng tawad si Xander kay Sam at agad din naman silang nagkaayos.

Sa paglalakad nila upang humanap ng mas magandang lugar na makakainan ay naganap na ang kinakatakutan nila, ang makita silang dalawa ng ama ni Sam.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang sila ay lumilibot sa loob ng isang mall ay nakasalubong nila ang ama at ina ni Sam kasama ang mga kapatid nito. Natigil ang dalawa at bumitiw sa pagkakahawak sa isa’t isa. Sa matinding galit na pumuno sa puso ng ama ni Sam at hinatak nito si Sam palabas ng establisyamento. Pilit na kumakawala itong si Sam ngunit hindi nito magawa sapagkat mahigpit ang pagkakahawak ng kanyang ama sa kanyang braso. Habang si Xander naman ay walang magawa kundi humingi ng tawad at patuloy na humihiling na bitiwan na muna si Sam. Malaking eskandalo ang nabuo ng tatlo sa loob ng mall. Ang ina at mga kapatid ni Sam ay walang magawa upang mapigil ang ama nito. Buti na lamang ay may mga guwardiya na pumigil sa ama ni Sam at sumama sa kanila palabas ng mall.

Sa paglabas ng mall, ay agad na sinakay si Sam sa kanilang sasakyan pauwi. Agad din namang sinundan si Xander ang mag-anak sa kanilang pag-uwi. Dala-dala ni Xander ang takot na maaring mangyari kay Sam.

Sa pagdating nila sa kanilang tahanan ay nagmamakaawa si Xander na siya ay papasukin sa loob ng tahanan nila Sam.

“Sir! Sir! Please, papasukin niyo po ako!” sigaw ni Xander.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na muling nagkikita ang magkasintahan. Sa tuwing papasok sa paaralan si Sam ay mayroong mga nakabantay sa kanya at ganoon din sa kanyang pag-uwi. Binawi na rin ng kanyang ama ang kanyang cellphone upang tuluyan nang mawakasan ang komunikasyon niya sa binata.

Pagtuntong niya sa ikaapat na taon sa kolehyo ay binigay nang muli ng kanyang ama ang kalayaang mayroon siya noon. Sa hindi inaasahang pagkakataon sa pagpunta niya sa kanilang paaralan ay nagkatagpo sila ni Xander sa hallway ng unibersidad.

“Xander? Anong ginagawa mo dito?” ang gulat na gulat na pagtatanong ni Sam.
“Dito na ako mag-aaral, Sam.” ang sabik na sabik na tugon ni Xander.
“Ha? Bakit pa?”
“Hindi ka ba masaya, ha Sam?”
“Paano ako magiging masaya kung magagalit din naman sila Daddy sa’kin?”
“Ilihim na lang ulit natin, Sam tulad ng dati. Hindi ba’t nangako tayo noon?”
“Sawa na ako sa ganoong sitwasyon, Xander. Ayoko na.”
“Ipaglaban mo naman ako, Sam. Sana isipin mo… i… isipin mo itong ginawa ko para sa’yo!”
“Hindi ko naman hiniling sa’yo ‘to, Xander! Ano ba ang gusto mong marinig para tigilan mo na ako?”
“Ha? Ano bang sinasabi mo Sam? Mahal mo ko diba? Diba?”
“Hindi, hindi na! Kaya tigilan mo na ‘ko!”

Labag man sa loob ni Sam ngunit kinailangan niyang sambitin ang mga salitang iyon upang ingatang mabuti ang tiwalang muling inihandog ng kanyang ama kahit na malayo man at masaktan man ang taong mahal niya, si Xander.



Sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa mukha ni Sam ay isinisiwalat ang naiipong luha sa kanyang mga mata na ilang sandali na lamang ay aapaw na at patuloy nang aagos ang pighating nararamdaman ng dalaga.

“Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko, Xander. Sana ngayon naiintindihan mo na…”
“Ano Sam?”
“Mga bata pa tayo nun, Xander. Alam mo naman na ako ang inaasahan ni Dad sa company, ‘diba?”
“Ako rin naman Sam diba? Mas mahalaga pa pala sa’yo ang yaman kaysa sa’kin, sa’kin na mahal mo… o… baka naman hindi mo talaga ako mahal?”
“Mali ka, Xander! Minahal kita at patuloy kitang minamahal hanggang ngayon! Ikaw ba Xander, mahal mo pa ba ako?

Kasabay ng mga ingay na likha ng mga tao sa loob ng kainan, sa tunog ng musika, sa pagbati ng crew sa lahat ng papasok sa kainan ay ang katahimikan na namamagitan kina Sam at Xander. Sinubukan ni Sam na basagin ang katahimikang ito sa tanong na:

“Mababalik pa ba natin ang dating mayroon sa’tin, Xander?”

Ngunit, patuloy na nanahimik si Xander at ang pagyuko na lamang ang naging tugon nito sa tanong na isinambit ni Sam. Hindi na napapansin ng dalawa ang mga minuto na lumilipas, mga taong naglalabas pasok sa loob ng kainan habang sila ay nananahimik.

Subalit sa katahimikang ito ay mayroon pa rin isang pangyayari ang bumasag sa kanilang katahimikan. Isang palad na dumampi sa balikat ni Xander kasabay ng pagsambit ng:
“Hon?”

 Larawan ng isang blangkong papel ang nailarawan sa mukha ni Sam nang marinig na isambit ng isang babae kay Xander ang salitang ito.

“Xa…nder? Xander?”
“Hon? Is there something wrong?” ang mahinahon ngunit ay diin na pang-uusig ng babae kay Xander.
“Nothing. By the way, this is Sam, Samantha Barrameda. Remember?”

Patuloy na nananahimik si Sam sa mga nakikita niya at hindi na namamalayan ang pagtatanong sa kanya ng kasintahan ni Xander.

“Sam? Samantha! Hey! You look very awful, what happened?”
“Ah, uhm, No, I’m okay. How did you know my name?”
“Nakalimutan mo na talaga ako? It’s me Elaine!”
“Elaine?”

Nagagalak si Sam nang muli niyang makita si Elaine pagkatapos ng maraming taon na hindi pagkakataon ngunit ang hindi lamang niya ikinagalak ay ang malaman na ang itinuring niyang tunay na kaibigan ay iyon palang magiging kasintahan ng taong tunay niyang minamahal.

“How are you? I miss you bestfriend!”
“Bestfriend?”
“Yes! Of course, nakalimutan mo na ba? Naku ha? Baka naman may hard feelings ka ngayon sa’kin dahil si Xander ang fiancĂ© ko.”
“Fiancè? Xander?”
“Uhm, wait guys, mayroon ba kayong dapat sabihin sa’kin? Para kasing…”
“No hon, it’s really nothing. Samantha is just sharing her problems about her… her… her…”
“My feelings about Xander. But, unfortunately his already got into a relationship with my ex-best friend.”
“Sa huli talaga ang pagsisisi, Sam. Xander, can we go now?”
“If you want, you may go first? I just want to disclose this. Is it okay?”

Hinayaan ni Elaine na mag-usap muna ang dalawa kahit na labag ito sa kanyang kalooban. Nasa isipan pa rin niya ang pagkakataon na itinakwil na siya ni Sam bilang matalik nitong kaibigan.

“Xander?”
“Samantha, I’m very sorry. It just happened that I fell in love to her.”
“It’s okay, Xander.  You don’t have to explain. I’ve already understand… everything.”

Sinubukan ni Sam na tumayo na sa kanyang kinauupuan upang magbayad ay umalis na sa kainang iyon. Ngunit, pinigilan siya ni Xander.

“Xander, let me go.”
“Sam, I just wanted you to know that, yes, I fell in love to her. But, I never loved her the way I loved you.”
“Bakit ngayon mo yan sinasabi? Ngayon na… ngayon na ikakasal ka na pala?”
“Hindi ko alam, Sam, basta ang alam ko, mahal kita… mahal na mahal.”
“Alam ko yun, Xander. At kailanman hindi ko kinalimutan kung papaano mo ako minahal at mamahalin pa. Pero… pero huli na pala… huli na para umasa, kasi ikakasal ka na.”
“Sam, kahit kailan hindi ko kinalimutang mahal mo …”
“Eh bakit hindi ka naghintay! Bakit?”
“Maghihintay pa ba ako sa taong… minsan na akong binitiwan? Ha Sam?”
“Xander, ikaw lang… sa’yo lang… hindi natapos at hinding-hindi magtatapos ang pagmamahal ko sa’yo, Xander.”
“Sam…”
“Sa’yo ko unang natutuhan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig gayundin ang tunay na hapdi ng pagkasawi. . Ikaw ang nag-iisa, ang una at huling pag-ibig ko.”

Sa pag-alis ni Sam ay wala nang nagawa si Xander upang pigilan siya nito. Masakit man sa kanyang damdamin ngunit iyon na lamang ang nakikita niyang paraan upang wala nang panibagong tao na masasaktan dahil sa kanya. Bitbit niya ang sakit na idinulot sa kanya ng taong minahal niya.